Thursday, October 22, 2009

Vivid dreams

Owing perhaps to the drugs I have been taking, I have been having a lot of vivid dreams lately.

In one of the dreams, my dead mother visited me, as her dead self. I was in my room, sleeping, and my housemates were there, and she said "Pumunta ko dito kasi hindi mo na kaya." Then I asked whether it was also her I have been seeing on previous occasions, because it was not exactly the first time I dreamt about her. She confirmed that it was also her. She said we would be going home, and I was half-expecting that we would teleport, but instead we commuted which took us quite a while to get home. My sisters were hugging her. I was hugging her, she seemed so frail. Then when I told her sisters to say goodbye, because she had to go, she told her sister that they would be seeing each other soon.

When I woke up, I told my housemates about the dream. I didn't know whether I want to feel happy or sad or scared. I felt the profound desire to weep, I can feel the weep wanting to gush out of my guts. But I didn't cry.###

Thursday, October 15, 2009

Exit plan

I have no exit plan.

I am leaving without saying goodbye.

I am leaving with a heavy heart.

I am closing the door as I leave so that I will not be tempted to return.

It is not true that I do not love it - I do, but it takes just the smallest push to throw me off the track.

This is classic love-hate. Classic.

When it comes to it, I have never been completely honest.

I have taken a break from it twice, and this is supposed to be my third time. Each time I ask for time off, I tell myself that it will be different when I come back.

You see, I am waiting to fall in love with it. But close to a decade later, I still am not.

It is quite a difficult thing, being honest to one’s self. I have not been honest to myself in quite a while.

It is not easy to leave, after all, I have come to love it a little.

But as a friend said, it is never a question of love. It is a question of "how much."

It hurts, even now. I still dream about it. But I have to leave.

I'm leaving. ###

Saturday, September 5, 2009

Antok

Kay tagal ko nang naghintay, at nagsunog ng kilay...###

Thursday, August 27, 2009

Ay, grabe naman talaga!

Shempre, dahil busy ako sa aking walang katapusang pagwa-wallow sa self-pity, nakalimutan kong, oo nga pala, I don't have monopoly on pain.

And so I sent a personal message to a friend I haven't gotten in touch with for a long time and greeted him belated happy birthday. And so I proceeded telling him about my latest misfortune, about losing my laptop and all that jazz, and then I asked him how he is. And then he said,

"Eto, two weeks na absent. Pabalik-balik sa Makati Med. Nagblack-out kasi ako, na-stitch yung lips at arms ko. Hindi pa alam yung reason for the black-out."

Tapos, pina-test siya ng kung anu-ano, shempre. ECG, 2D Echo, Holter, for the heart, EEG, CT Scan for the head, tapos nalaman pa daw na mataas ang cholesterol at liver enzyme sa blood niya ata, something, so pinapa-test siya ulit, CT-Scan with contrast naman. Pina-test pa daw siya for Hepa, buti negative naman. At ang masasabi ko dito eh, kumusta naman di ba?

Tinanong ko siya, "chubby ka ba ngayon?"

Sagot niya, "chuuuuubby."

I see, he still got his sense of humor. Buti naman. ###

Tuesday, August 25, 2009

Walang kawala

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong balat sa pwet, pero parang sinusundan ata ako ng malas.

Nung Biyernes, 21 August 2009, lumabas ako ng bahay ng alas-dos ng hapon. Gutom na kasi ako, kailangan kong mag-lunch. So nagpunta ako ng TriNoMa. Uuwi na dapat ako pagkatapos maglunch kasi masakit ang tiyan ko, pero naisipan kong dumaan sa Powerbooks. Sale kasi. May nakita ako, I Want Those Shoes. Naka-70% off. Eh pag bumili ka pala ng book na naka-70% off, may libre pang book na naka 80% off naman. So medyo natagalan pa kong maghanap, kasi dapat pareho sila halos ng value. So pagkabili ng books, uwi na ako. Mga alas-singko ng hapon yun.

Pagdating ko sa bahay, pagbukas ko ng screen door, sira yung pinto namin! Intact yung lock pero sira yung pinto. Kinabahan na ko. Shet!

So tinulak ko yung pinto at nakita ko yung table nila, nakatanggal yung drawer tapos kalat-kalat sa floor yung mga payslips. Medyo natatawa pa ko sa utak ko kasi naisip ko, shet, classic crimse scene ah. So dumire-diretso pa din ako. Chineck ko yung kusina, yung lutuan, yung CR. Tas tumingin ako sa taas, nakabukas yung ilaw sa corridor. Yung damit ko, nasa sahig, lukot na lukot, parang ginawang basahan. So sinilip ko yung kwarto ko, nakasara yung ilaw pero nakataas yung mga kurtina, nakabukas lahat ng pinto ng closet, nakatanggal yung mga drawer. Pati mga underwear ko nakakalat sa floor. Pagtingin ko, wala sa closet yung laptop at camera ko. Shet lang talaga di ba? Yung kwarto nila, ganun din, though hindi ko pa ma-assess kung ano yung mga nawala sa kanila. (Later na lang namin narealize na pati air cooler nila kinuha, pero kung bakit at paano, considering ang mura lang nun at ang bulky pa, hindi namin alam. Pero walang tao. (Eh ano naman nga gagawin ko kung may tao akong makikita dun di ba?)

Hindi pa kasi ko masyadong nag-iisip nun. Pagkatapos nun, pinagsabihan nila ko na ang foolish nung ginawa ko. Dapat di ako pumasok nung nakita kong sira na yung pinto. Dapat nagpasama na ko. Eh kasi naman I was half-expecting aabutan ko pa yung magnanakaw sa loob. (Exactly the point why I shouldn't have gone in, in the first place.)

Tapos lumabas ako ng pinto, tinawagan ko siya. Nanginginig yung boses ko nung sinabi ko "Ei, nanakawan tayo." Siguro na-shock din siya... malamang! Sabi niya, "Sige uuwi na ko in a while, mga seven. Coding kasi ako." Napa-tumbling ako dun. Kasi mga 5:30 p.m. yun eh. tas uwi siya after mga an hour pa. Tapos ako, "Ano'ng gagawin ko dito sa bahay?" Sabi niya "Pasama ka muna. Uuwi na ko maya-maya." Tapos, tumawag din siya maya-maya, pauwi na raw siya. In short, pareho kaming nalilito. Eh kasi ba naman, paano ba naman ipo-process ng utak mo na nanakawan kayo di ba?

So marami pang kalituhan, marami pang text at tawag, punta sa pulis ("Ano po ang gusto ninyong gawin namin?"), bili ng lock, ayos ng pinto, iyak, "Okay ka lang ba jan? Okay ka lang mag-isa?", order ng Jollibee na inabot ng ten years bago dumating.

Noong gabi na at kaming dalawa na lang sa bahay, nung hindi pa ko nagsasalita dahil hindi ko kayang magsalita nang hindi maiiyak, nagtanong siya, "Nagsisisi ka bang lumipat ka ng bahay?"

"Hindi naman."

Hindi naman.###


Thursday, May 14, 2009

Simula

Gotta start somewhere.

Yan ang drama ko. Matapos ang halos isang taon ng pagmumukmok at paglulunoy sa lungkot at galit, eto ako, isa't kalahating malungkot at galit pa rin.

Isang text lang naman ang nagbago sa buhay ko. Umuwi ka agad. Isang tawag. Wala na ang Nanay. Tapos, yun na yun. Lahat ng mga ilaw sa utak ko, napundi. May mga switch na sinara.

Inisip ko nung, grief is a very vast ocean I have to cross, and I'm still at the edge trying to test the waters. How I would be able to cross that vast ocean, I had no idea.

Hindi ko kasi alam kung paano lalangoy nang hindi malulunod. Hindi ko alam kung paano pupunta mula sa isang araw patungo sa isang araw nang hindi mababaliw o mamamatay. Hindi ko alam eh. Para akong bangka na nawalan ng anchor, ayun, lulutang-lutang. Hindi ko alam kung kanino kakapit. So kumapit ako sa mga pinakamalapit sa kin.

At nakahanap ako ng salbabida -- anger.

Nung una, hindi ko pa alam na galit na pala ang kinakatigan ko. Nung una kasi wala akong nararamdaman. Ni hindi ako makaiyak. Payapa akong natutulog sa gabi. Hanggang dumating yung unang sabadong hindi ako umuwi sa bahay at habang kumakain ako ng siomai, (puro siomai na lang ang kinakain ko nun), bigla na lang akong naiyak. Hindi yung iyak na naluha lang o kung anu man ha. Hagulgol. Hindi ko na maalala kung sino ang kausap ko nun sa telepono, pero iyak lang ako ng iyak ng iyak.

Sana nga nakakamatay ang matinding pag-iyak. Pero hindi eh. So ayun, kinabukasan, nagising pa rin ako, kahit ayaw ko. Ayoko nang magising eh. Ayoko naman magpakamatay. Too much effort. Basta gusto ko yung hindi na lang ako magigising.

Around this point ko inaway nang inaway nang inaway yung closest guy friend ko. Though inaaway ko naman siya lagi lagi lagi dati, mas inaway ko pa siya ngayon.. Bakit ka nagtetennis? Sige magpakasaya ka pa sa buhay mo? Bakit ganito yung comment ni ganyan sa flickr mo? Bakit mo kini-kiss si ganyan? Sige kayo na lang ni ano ang friends. Bakit hindi ako? Sino ba yang gusto mo sabihin mo na sa kin kung sino? Sige na sige na sige na. Dahil ba sa sobrang lapit ko kaya hindi mo ko makita?

Ayun, nagsawa ang loko. Sabi pa nung kaibigan ko, nasaktan daw. Siguro nga, kasi talagang hindi na ko kinausap matapos sabihing "hindi na kita kayang maging kaibigan. Ayoko na."

So bukod sa namatayan ako, iniwanan pa ko ng kaibigan ko.

At dahil wala na akong maaway, siya naman ang pinagbalingan ko. Basically, ginawa ko siyang punching bag. Ayaw mo kong makita. Di mo naman ako pinupuntahan. Lagi ka na lang ganyan ganyan ganyan. Pinabayaan mo ko. Kung kelan kailangan kita tsaka wala ka.

In short, nagpakalunod lang ako sa galit na nararamdaman ko na di ko naman alam kung kanino ba ako galit. Sa universe ba, sa particular person ba na to, sa fact na iniwan ako, sa fact na hindi ako gusto na shet naman... Masyadong mahabang paliwanagan akong kailangan dun sa last point na yun na kailangan na ng sarili niyang entry.

Wala na ko gusto gawin eh. Wala na akong ganang gawin ang kahit ano. Wala na akong ganang mabuhay.

But the dead will be dead, and the rest must go on living, sabi ni Haruki Murakami.

Anong gagawin ko ngayon?

Eh kung magsimula kaya ako ulit? Kahit may mga relasyon na akong tinuldukan (or rather, ako ang tinuldukan), mga relasyong nilamatan, eh ganun eh. Kailangan magsimula ulit.

Baka dumating yung panahon na yung mga nalamatan, malagyan ng tape. Yun mga nawala, wala na yun eh. Yung nandiyan, nandiyan pa rin.

Bakit hindi ako dun magsimula?###